Meron akong isang kaibigan, itago natin siya sa pangalang NGONGO. :D
Ang lupet talaga ng kaibigan kong ito! Super funny sobra! Bentang benta talaga siya! Nakakatawa talaga, promise! Sana matuwa rin kayo sa kanya. Hee.
Si Ngongo, bago yung phone niya, Samsung. Ang cool diba? Astig sobra! Tapos isang araw, August 5 ata iyon, naglalaro siya ng mga settings niya sa phone. Akala niya yata Distribution List, ewan, hindi ako sigurado, basta nakakatawa talaga si Ngongo.
Ngayon ay September 19. Lagpas na ng isang buwan at nagtataka na si Ngongo kung bakit nagloloko yung phone niya. May mga text messages na hindi niya nakukuha. Tuloy, marami na siyang namimiss na gimiks. Tulad ng kaarawan ko kahapon, heh.
Kanina, nung nagtataka si Ngongo kung baket hindi niya nakukuha yung mga messages namin, na realize niya na ceetoo lang yung mga hindi niya nakukuha.
Aba, rewind tayo sa August 5, nung naglalaro si Ngongo sa mga settings ng phone niya. Ano yung nakita niya sa phone niya na akala niya Distribution List? BLOCK CONTACTS. At ano ang naisip niya? "Ah, dito ko ilalagay ang ceetoo, mga blockmates ko, para kapag itetext ko sila, itetext ko na lang si BLOCK CONTACTS."
Ahay Ngongo. Mahal kita. :) Panalo ka talaga! - Mood:giggly

|